August 23 ang nakatakdang bakasyon para sa aming magkakaibigan/magkakatrabaho sa "Queen City of the South" ang Cebu. Minsan kailangan din naman natin ng pahinga lalo na kung subsob tayo sa trabaho.
Dahil dito, ako na ang nagkusang loob na mag-asikaso ng lahat. Syempre tinulungan din naman ako ng mga kasama ko.
Sa pagpaplano ng bakasyon ang unang dapat gawin ay ang maghanap ng murang "air fare". Pebrero pa lang ng taong ito, nakakuha na kami ng "ticket" sa murang halaga dahil sa promo.
Maraming "airline companies" ang nagbibigay ng promo, minsan kelangan mo lang maghintay kung kelan sila maglalabas ng anunsyo. Kadalasan nagbibigay sila ng promo kung may mahalagang okasyan , sa mahahalagang araw o tuwing "holiday". Pinalad kami na makakuha ng murang "ticket" sa "tiger airways" at "zest air".
Dumating ang takdang araw, Aug. 23, 2013. 10:30 am ang "flight" ng aming grupo. 8:00 am nasa terminal na kami. Laking dismaya namin ng mabasa mula sa "counter" ng "tiger airways" na delay ang "flight" ng mga 2 hours wala man lang abiso. Lalong nadagdagan ang aming pagkabanas ng bandang 12:00 nn na, nag anunsyo ulit ng 1 pang oras na "delay".
Wala na kaming nagawa kung hindi ang maghintay at kumain sa "airport lounge" ng napakamahal na pagkain pero hindi masarap at matigas na kanin. Hindi na ako uulit sa "tiger airways".
1pm nang tuluyan na nga kaming nakaalis patungong Mactan international airport sa Cebu.
You can check online promo for airline companies with their website:
Cebu pacific: www.cebupacificair.com
Zest air: www.flyzest.com
Air Asia: www.booking.airasia.com
Tiger airways: www.tigerair.com
Pal Express: www.flypalexpress.com
Philippines Airline: www.philippineairlines.com
Crown Regency Tour (Cebu tour day 2)
Larsian Barbercue Center (Cebu tour continuation day 2)
City twin tour (Cebu tour day 3)
Last day in Cebu
5-Day Itinerary in Cebu
Pal Express: www.flypalexpress.com
Philippines Airline: www.philippineairlines.com
Related topics you might also like:
Touch down Cebu (Day 1)Crown Regency Tour (Cebu tour day 2)
Larsian Barbercue Center (Cebu tour continuation day 2)
City twin tour (Cebu tour day 3)
Last day in Cebu
5-Day Itinerary in Cebu
Thank you sa mga reader
ReplyDelete